Bustos dam sa Bulacan nagpakawala ng tubig; 2 gate ang binuksan

Kinumpirma ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ang pagpapalabas ng tubig mula sa Bustos Dam sa lalawigan ng Bulacan.

Bungsod ito ng nararanasang mga pag-ulan sa lalawigan na nagpataas ng tubig sa dam.

Ayon kay PDRRMO Chief Liz Mungcal, ang water elevation sa Bustos Dam ay nasa 17.53 meters na mataas sa “flood season water level” na 17.50 meters.

Sinabi ni Mungcal na mula araw ng martes ay nakapaglabas na ng 25 cubic meters per second mula sa gates 1 at 2.

Kaugnay nito, nakapagtala ng hanggang tuhod na pagbaha sa ilang mga lugar sa Bulacan gaya ng Marilao, Bocaue at Meycauayan City.

Read more...