8 tauhan ng Coast Guard hinatulang guilty sa kaso ng pagkasawi ng mangingisdang Taiwanese sa Batanes noong 2013

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2019 - 09:05 AM

Guilty ang hatol ng Manila Regional Trial Court Branch 15 sa walong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kaso ng pagkamatay ng Taiwanese fisherman na si Hong Shi Cheng sa karagatang sakop ng Batanes noong taong 2013.

Kabilang sa mga napatunayang guilty ng korte sa kasong homicide ay sina:

– Commanding Officer Arnold Dela Cruz
– Seaman 1st Class (SN1) Edrando Aguila
– Seaman 1st Class (SN1) Mhelvin Bendo II
– Seaman 1st Class (SN1) Andy Gibb Golfo
– Seaman 1st Class (SN1) Sonny Masangcay
– Seaman 1st Class (SN1) Henry Solomon
– Seaman 1st Class (SN1) Richard Corpuz
– at Seaman 2nd Class Nicky Renold Aurelio

Magugunitang naging kontrobersyal ang naturang insidente taong 2013.

Nalamatan pa ang relasyon ng Taiwan at Pilipinas dahil sa pagkasawi ng mangingisdang Taiwanese.

Nagresulta pa ito sa pag-uutos ng Taiwanese government na itigil ang pag-iisyu ng visa sa Filipinos workers na nais magtrabaho sa Taiwan.

Bilang pagpapakita ng sinseridad ay nagpadala noon ang pamahalaan ng Pilipinas ng kinatawan sa Taiwan para personal na ihatid ang official letter of apology.

Pinagbabayad ang mga nahatulan ng aabot sa P100,000 na multa bawat isa, o P50,000 para sa civil indemnity at P50,000 para sa moral damages.

TAGS: coast guard, homicide, Hong Shi Cheng, manila rtc, Radyo Inquirer, coast guard, homicide, Hong Shi Cheng, manila rtc, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.