Nag-alok si Marikina City Mayor Marcy Teodoro ng P200,000 pabuya sa sinumang makapagtuturo sa nagtapon ng mga baboy sa ilog na inanod sa Marikina.
Kabilang sa mga mensaheng natanggap ni Teodoro ay ang mga sumbong hinggil sa mga umano ay nagtapon ng patay na baboy sa ilog.
Laman ng mga mensahe ang lugar, petsa at pangalan ng mga nagtapon ng baboy.
Pero ayon sa Marikina City Government, lahat ng mensahe at sumbong ay sasailalim sa masusing kumpirmasyon para matukoy kung sino talaga ang nararapat na makatanggap ng pabuya.
READ NEXT
Environmental group hiniling sa Senado na imbestigahan ang Wacuman dumpsite violations sa Bulacan
MOST READ
LATEST STORIES