Lalaki patay matapos pagbabarilin sa Tondo, Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2019 - 07:48 AM

Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin sa Balut, Tondo, Maynila.

Natagpuan ng mga residente sa lugar ang hindi pa nakikilalang biktima na duguan at wala nang malay.

Agad nila itong isinugod sa ospital pero idineklara ring dead on arrival.

Tadtad ng tama ng bala sa katawan ang lalaki kabilang na ang tama ng bala sa kaniyang ulo.

Ayon sa mga residente maaring hindi taga doon ang lalaki dahil hindi nila ito kilala.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: ambush, manila, Shooting Incident, ambush, manila, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.