P5M halaga ng shabu nakumpiska sa Cavite; 6 arestado

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2019 - 06:16 AM

Arestado ang anim na drug suspect sa pagsalakay ng mga otoridad sa isang high-end apartment sa Bacoor, Cavite.

Nadakip sa operasyon ang high-value target na si Mastura Salik, alyas Troy, ang kanang-kamay, isang Chinese na may alyas na Joplex Roice, at tatlo pang kinilalang sina Waren, Saima at Salik.

Bago nadakip ang anim ay dalawang kasabwat nila ang una nang naaresto ng mga pulis na sina Jason Manalo at Sittie Ebrahim.

Aabot sa P5 milyon ang halaga ng shabu ang nakumpiska sa kanila.

Ayon kay Bacoor Police Chief Lt. Col. Vic Cabatingan, nagrerenta ang mga suspek sa isang high-end apartment at ito na aniya ang madalas na ginagawa ng mga drug suspek.

Dahil dito hinikayat ni Bacoor City Mayor Lani Mercado ang mga homeowners association na magkaroon ng maayos na rekord sa mga naninirahan sa bawat subdivision lalo na kung ang mga tumitira ay umuupa lamang.

TAGS: bacoor city, buy bust, cavite, high end apartment, bacoor city, buy bust, cavite, high end apartment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.