Sunog sumiklab sa isang residential area sa Marikina City

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2019 - 05:58 AM

Tinupok ng apoy ang isang bahay sa Barangay Industrial Valley Complex sa Marikina City.

Nagsimula ang sunog pasado alas 4:00 ng umaga na umabot lang sa unang alarma sa bahagi ng Kamagong Street, Monte Vista.

Agad naitawag sa fire bureau ang insidente dahil nagising ang isang nakatira sa bahay para mag-banyo at nakita niyang may umuusok na sa isang kwarto.

Sa pagtaya ng Marikina Fire Bureau tinatayang aabot sa P15,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Wala namang nasaktan sa sunog at patuloy na inaalam kung ano ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: fire alert, fire incident, Kamagong Street, Marikina City, Monte Vista, Radyo Inquirer, fire alert, fire incident, Kamagong Street, Marikina City, Monte Vista, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.