Ilang miyembro ng Gabinete pinatutulong ni Duterte sa Bangsamoro government
Bumuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang komite na kinabibilangan ng ilang mga miyembro ng Gabinete para tulungan ang Bangsamoro regional government.
Kahapon, araw ng Martes, pinulong ng presidente ang mga opisyal ng Bangsamoro Transition Authority.
Sa ambush interview ng mga mamamahayag, sinabi ni Duterte na tutulong ang komite na kanyang binuo sa pagbuo ng istruktura ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) government.
Ayon pa sa pangulo, kailangan ng mga Bangsamoro officials ng tulong dahil sa nararanasang problema sa pondo at ‘liaison’.
“Una is the prompt remittance of their money because they have to offer it also. Just like any government office, you have to have money to buy supplies, to pay the employees, and everything. So isa ‘yan. At pangalawa, ‘yung additional officials for liaisoning,” ani Duterte.
Ang pagbuo sa BARMM ay bunga ng paglagda sa Bangsamoro Organic Law noong July 2018 na isa sa mga tinitingnang solusyon para matamo ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Pinalitan ng mas pinalaking BARMM ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.