48 patay sa suicide bombings sa Afghanistan

By Rhommel Balasbas September 18, 2019 - 05:02 AM

AP photo

Hindi bababa sa 48 katao ang nasawi sa dalawang magkahiwalay na insidente ng suicide bombing sa Afghanistan araw ng Martes.

Unang isinagawa ang pag-atake sa Charakar, Parwan province kung saan may election rally at nakatakda sanang magsalita si President Ashraf Ghani.

Ayon kay Interior Ministry spokesperson Nasrat Rahimi, patay sa insidente ang 26 katao kabilang ang apat na sundalo habang 42 pa ang sugatan.

Bagama’t nasa lugar ang presidente ay hindi naman ito nasaktan.

Naganap naman ang ikalawang suicide bombing sa Kabul, malapit sa US embassy kung saan 22 katao ang nasawi.

Inako ng insurgent group na Taliban ang responsibilidad sa mga pag-atake.

Ang panibagong karahasan ay ilang araw bago ang presidential elections sa Afghanistan sa September 28 na mariing tinututulan ng Taliban.

Nagbabala ang Taliban sa mga mamamayan na huwag lumahok sa eleksyon dahil aatakihin nila ang mga kampanya at ang mga polling stations.

Una nang idineklara ni US President Donald Trump nitong Setyembre na ‘patay’ na ang negosasyon sa Taliban.

 

TAGS: 48 patay, afghanistan, suicide bombing, US President Donald Trump, 48 patay, afghanistan, suicide bombing, US President Donald Trump

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.