Mga panukala para ipagpaliban ang 2020 Brgy. at SK elections iniakyat na sa plenaryo
Matapos aprubahan ng tatlong komite, iniakyat na sa plenaryo ang mga pinagsamang panukala para ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan elections na itinakda sa susunod na taon.
Sa katuwiran na kapos ang dalawang taon para maisagawa ng mga barangay at youth officials ang kanilang mga programa, sa kanyang sponsorship speech para sa Senate Bill No. 1043 sinabi ni Sen. Imee Marcos na dapat ay sa ikalawang Lunes sa buwan ng Mayo, taon 2023 na lang isagawa ang eleksyon.
Unang inaprubahan ang joint committee report ng Electoral Reforms, Local Government at Finance Committees na pinamumunuan nina Marcos, Sen. Francis Tolentino at Sen. Sonny Angara.
Nagpahayag naman ng kanilang suporta sa panukala sina Senators Francis Tolentino at Christopher Go.
Humingi naman ng mga paglilinaw si Sen. Ramon Revilla Jr., mula kay Senator Imee Marcos.
Inusisa rin ni Revilla ang mga pagbabago sa petsa ng eleksyon.
Ayon naman kay Marcos mas makakabuti na kung magtatagal sa posisyon ang mga barangay officials kesa naman kapusin sila ng panahon para sa kanilang mga programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.