10 arestado sa buy-bust operation sa Quezon City

By Rhommel Balasbas September 18, 2019 - 04:45 AM

Timbog ang sampu katao sa anti-illegal drug operation sa Payatas, Quezon City, Martes ng gabi.

Unang naaresto ang isang babae na nakilala sa alyas na “Liza” na nagbenta umano ng kwintas sa halagang P700 para ipansahog sa kanyang nilulutong spaghetti.

Pero imbes na buong pera, P200 na cash at mga pakete ng shabu umano ang ibinayad sa kanya.

Ayon naman sa QCPD Station 6, nagkasa ng buy-bust operation at nabilhan talaga ng shabu ang suspek.

Timbog din ang asawa ng suspek at ang walo nilang kasamahan na naabutan sa kanilang bahay.

Kasalukuyang nakadetine sa Batasan Police Station ang mga suspek.

 

TAGS: 10 arestado, buy bust, kwintas, Payatas, quezon city, shabu, spaghetti, 10 arestado, buy bust, kwintas, Payatas, quezon city, shabu, spaghetti

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.