Mga kilos-protesta isasagawa sa Biyernes para gunitain ang 1972 martial law declaration

By Rhommel Balasbas September 18, 2019 - 03:15 AM

Magsasagawa ng mga kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa Rizal Monument, araw ng Biyernes para gunitain ang deklarasyon ng martial law ng diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos noong September 21, 1972.

Ayon sa statement ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), kabataan ang mangunguna sa mass mobilization na lalahukan ng iba’t ibang sektor, faith-based groups at social activists.

Ayon kay Bayan secretary-general Renato Reyes, sa pagkalimot ay mas nagiging mahina ang tao dahilan para maulit muli ang nangyari sa nakalipas.

Mahalaga anya na ang kabataan ang nangunguna para sa mga hakbang para labanan ang pilit na pagbago sa kasaysayan at sa umuusbong na diktadurya sa ilalim ng Duterte administration.

“The moment we forget, we become vulnerable and susceptible to repeating the past. It is therefore such an important development that the youth of today are at the forefront of efforts to fight historical revisionism and the now looming dictatorship under this administration,” ani Reyes.

Ayon kay Reyes, ang mga taktikang mala-Marcos ng kasalukuyang administrasyon ay hindi katanggap-tanggap sa Sambayanang Filipino.

“Our message is clear. The Duterte regime’s Marcosian tactics are unacceptable to the Filipino people. Remember that Marcos was ousted for his authoritarian rule marked by corruption and gross human rights violations. The widespread human rights violations and abuse of power we see today are reminiscent of Marcos’ rule,” dagdag ni Reyes.

Ang pag-aabuso umano sa kapangyarihan noon hanggang ngayon ang isang dahilan kung bakit hindi umuunlad ang bansa.

Hinikayat ng Bayan ang lahat ng lalahok sa Martial law commemoration and protest na magsuot ng itim at magdala rin ng itim na payong sakaling umulan.

 

TAGS: BAYAN, Marcos' rule, Martial Law, protesta, renato reyes, BAYAN, Marcos' rule, Martial Law, protesta, renato reyes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.