Hawak na ng Pilipinas ang flag ng FIBA bilang isa sa mga host countries ng susunod na International Basketball Federation tournament sa 2023.
Ibinahagi ng Samahang Basketbok ng Pilipinas (SBP) ang mga larawan kung saan kinuha ng bansa ang FIBA flag mula sa China na naging host ng natapos na 2019 FIBA World Cup.
Mismong si SBP Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan at iba pang opisyal ng organisasyon ang tumanggap ng FIBA flag mula kay Chinese Basketball Association presidente Yao Ming sa Beijing.
Ang Pilipinas ay co-hosts ng Japan at Indonesia sa susunod na FIBA World Cup.
Bilang isa sa mga hosts, may tiyak ng slot ang national basketball team na Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup.
Nakatakdang makipag-koordinasyon ang Pilipinas sa Japan at Indonesia para magkaroon ng iisang tema, mascot, slogan at iba pang patungkol sa FIBA.