2 patay, 14 sugatan sa salpukan ng trailer truck at jeep sa Quezon City

By Rhommel Balasbas September 18, 2019 - 04:20 AM

Phil. Red Cross photo

(Update) Dalawa na ang patay habang umabot sa 14 ang sugatan sa salpukan ng isang 10-wheeler truck at pampasaherong jeep sa bahagi ng Mindanao, Avenue, Quezon City, Miyerkules ng madaling-araw.

Ayon kay Police Staff Sergeant Andy Sotto ng QCPD Traffic Sector 6, dead-on-the spot ang isang fastfood crew habang sa ospital na binawian ng buhay ang isa pa.

Nangyari ang aksidente sa kasagsagan ng maulang panahon.

Galing Sangandaan ang jeep na pa-U-turn sana sa may St. James nang salpukin ng trailer truck.

Ayon sa pahinante ng trailer truck na si Mark Gatchalina, galing silang Las Piñas at patungong garahe sa Valenzuela.

Hindi umano nila napansin ang jeep na nasa kanilang harapan at hindi na kinaya pa ng kanilang preno at tuluyan nang bumangga.

Tumilapon at humandusay sa kalsada ang mga pasahero ng jeep.

Yupi-yupi at wasak ang likuran at gilid na bahagi ng jeep dahil sa impact ng banggaan.

Ginagamot pa sa mga ospital ang driver ng jeep at truck at ang mga sugatang pasahero.

TAGS: 14 sugatan, 2 patay, aksidente, dead-on-the-spot, fastfood crew, Jeep, preno, quezon city, salpukan, trailer truck, 14 sugatan, 2 patay, aksidente, dead-on-the-spot, fastfood crew, Jeep, preno, quezon city, salpukan, trailer truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.