Ayon sa hepe ng NCRPO na si Police Major General Guillermo Eleazar, maaaring may ilang pulis na gumagawa ng drug recycling pero hindi ito ang dahilan sa talamak na bentahan o patuloy na pagdami ng droga sa Metro Manila.
Marami na anya siyang tinanggal sa trabaho bilang pulis at mga kinasuhang pulis kaugnay sa ipinagbabawal droga simula ng umupo siya bilang hepe ng NCRPO.
Ayon kay Eleazar, mayroon siyang pinatanggal ng mga station commanders, chiefs of police, at isang district director na nasangkot sa droga.
Isa pa sa mga istratehiya anya ay ang pagtatalaga ng mga bangong pulis para sa mga operasyon kontra droga.
Tiniyak naman ni Eleazar na magpapatuloy pa rin ang PNP sa programa laban sa droga sa bansa at handa pa rin anya ang pulisya na makipagtulungan sa PDEA.