‘Drug recycling’ ng pulisya itinanggi ng NCRPO

By Noel Talacay September 18, 2019 - 12:35 AM

Nagbigay ng pahayag ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ukol sa pahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Aaron Aquino na nire-recycle umano ng Philippine National Police (PNP) ang mga droga na narerekober sa operasyon kaya hindi ito nauubos.

Ayon sa hepe ng NCRPO na si Police Major General Guillermo Eleazar, maaaring may ilang pulis na gumagawa ng drug recycling pero hindi ito ang dahilan sa talamak na bentahan o patuloy na pagdami ng droga sa Metro Manila.

Marami na anya siyang tinanggal sa trabaho bilang pulis at mga kinasuhang pulis kaugnay sa ipinagbabawal droga simula ng umupo siya bilang hepe ng NCRPO.

Ayon kay Eleazar, mayroon siyang pinatanggal ng mga station commanders, chiefs of police, at isang district director na nasangkot sa droga.

Isa pa sa mga istratehiya anya ay ang pagtatalaga ng mga bangong pulis para sa mga operasyon kontra droga.

Tiniyak naman ni Eleazar na magpapatuloy pa rin ang PNP sa programa laban sa droga sa bansa at handa pa rin anya ang pulisya na makipagtulungan sa PDEA.

 

TAGS: drug recycling, itinanggi, Major General Guillermo Eleazar, NCRPO, PDEA, PNP, drug recycling, itinanggi, Major General Guillermo Eleazar, NCRPO, PDEA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.