Inihayag mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na “inambush” niya si dating Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.
Ang pag-amin ay ginawa ng pangulo sa kanyang talumpati sa oath-taking ng mga bagong talagang opisyal ng gobyerno sa Malakanyang Martes ng gabi.
Ayon kay Pangulong Duterte, “inambush” na niya si Loot pero buhay pa rin ito.
Ang pahayag ay sa gitna ng isyu ng pagkasangkot sa iligal na droga ng ilang lokal na opisyal kabilang ang mga alkalde gaya ni Loot.
Isa ang dating police general na si Loot sa limang pinangalanan ng pangulo na umanoy “narco generals” noong 2016 pero itinanggi ito ng mga idinawit niyang mga heneral.
Matatandaan na nakaligtas si Loot at ang pamilya nito sa pananambang noong May 2018.
Noong nakaraang Disyembre naman ay itinanggi ng pangulo na nasa likod siya ng ambush kay Loot.
Katunayan ay itinuro ng pangulo si dating Senador at Interior Secretary Mar Roxas na umanoy nag-utos ng pagpatay sa dating mayor, bagay na ayon sa Malakanyang ay biro lamang umano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.