DOTr: Signalling at commucations system ng MRT-3 ikakabit na

DOTr MRT-3 photo

Inanunsyo ng Deparment of Transportation (DOTr) na ikakabit na ang mga bagong teknolohiya para sa signalling at communications system ng MRT-3.

Ayon sa Facebook post ng DOTr araw ng Martes, ikakabit na sa susunod na linggo ang 20 reels ng fiber optic cables para sa naturang modernong teknolohiya.

Dagdag ng ahensya, target ng MRT-3 maintenance provider na Sumitomo-MHI-TESP na matapos ang pagkakabit ng kable ngayong taon.

Kasalukuyang ginagawa ang testing at commissioning ng fiber optics sa layong matiyak ang kalidad ng mga kable bago ikabit sa linya ng MRT-3.

Ayon sa DOTr, mula sa dating signaling system gamit ang copper wires lamang, mapapalitan na ito ng mas makabagong kagamitan alinsunod sa rehabilitasyon ng rail line.

Dagdag ng ahensya, ang ikakabit na modernong railway signaling system ay para sa patuloy na ligtas na distansya ng mga tren sa bawat isa habang ang mga ito ay nasa linya.

Read more...