Pagbuo ng Department of OFW, pagbabalik ng pabor sa mga Pinoy workers abroad
Nanindigan si House Speaker Alan Peter Cayetano na malaking tulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) and pagbuo ng isang kagawaran para sa kanila.
Ayon kay Cayetano, mayroong isang departamento na tututok sa pangangailangan ng mga OFW na may layuning pag-isahin ang responsibilidad ng mga OWWA at POEA.
Sa Department of OFW na lamang anya pupunta ang mga ito kapag mangangailangan ng tulong.
Sinabi naman ni Batangas Rep. at Deputy Speaker Raneo Abu, maliit na bagay lamang para sa mga OFW ang paglikha ng departamento para sa mga ito.
Kailangan anya na malikha na ang DOFW upang masawata kundi man ay mabawasan ang illegal recruitment at pang aabuso sa mga OFW.
Paliwanag naman nina House Majority Leader Martin Romualdez at Tingog Rep. Yedda Marie Romualdez ang kawalan ng ahensya na nakatutok sa OFW concerns ay nagbibigay ng pahirap din sa pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga ito.
Nalalagay din anya sa alanganin ang serbisyo na ibinibigay ng gobyerno sa mga tinaguriang bagong bayani dahil sa kalituhan at redundancy sa mga ahensya ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.