Duterte: May sakit at matandang preso palayain na agad

By Len Montaño September 17, 2019 - 10:39 PM

Pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglaya ng mga may sakit at matandang preso.

Ang hakbang ng pangulo ay sa gitna ng isyu ng maagang o maling paglaya ng mga convict ng heinous crime dahil sa batas sa good conduct.

Ayon sa pangulo, hindi na makakagawa ng krimen ang inmate na may sakit at matanda na dahil hindi na kaya ng kanilang katawan kaya dapat na palayain na sila agad.

“70 years old or 75, 70, hindi na marunong mag hold up yan, hindi na makatakbo ‘yan. O kung takot ka pa kay serial rapist, paputol mo na lang diyan sa foundry nila bago palabasin,” pahayag ni Pangulong Duterte sa mga mamamahayag sa Malakanyang.

Samantala, pinuna ng pangulo ang pagdami ng mga bakla sa Bilibid.

Dahil anya sa tagal sa kulungan ay hindi na babae ang hanap ng preso at karamihan sa kanila ay ayaw nang umalis dahil may mga karelasyon na.

“Karamihan nila ayaw nang umalis kasi may mga lovers na yan sila sa loob. Saka yan, ‘yang lumabas na 30, 25 years, hindi na maghanap ng babae yan. They have acquired latent homosexuality. Wala na yan silang desire makipag halikan ng babae. Ang gusto nya, yung iniwan niya and that is I said they have acquired latent homosexuality,” ani Duterte.

 

TAGS: bakla, baklang inmate, Bilibid, convict, GCTA, heinous crime, inmate, karelasyon, latent homosexuality, matanda, may sakit, palayain agad, Rodrigo Duterte, bakla, baklang inmate, Bilibid, convict, GCTA, heinous crime, inmate, karelasyon, latent homosexuality, matanda, may sakit, palayain agad, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.