Duterte nag-alok ng P1M pabuya para sa pag-aresto sa convict na hindi sumuko ayon sa kanyang deadline
Dalawang araw bago matapos ang kanyang 15 araw na deadline para sumuko ang mga convict ng heinous crimes na napalaya dahil sa good conduct time allowance (GCTA) law, nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng pabuya para sa pag-aresto sa mga ito.
Una nang sinabi ng pangulo na ituturing na pugante ang convicts ng karumal-dumal na krimen na hindi bumalik sa kulungan para sa re-computation ng kanilang time allowances.
Nasa P1 milyon ang pabuya ni Pangulong Duterte para sa ikakaaresto ng bawat convict na hindi sumunod sa kanyang ultimatum.
Sa panayam sa media sa Malakanyang Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na ang pabuya ay para sa pag-aresto sa convict, buhay man o patay.
Sa Huwebes, September 19 matatapos ang deadline ng pangulo at para sa mga convict na hindi sumuko, ipapatupad ng otoridad ang warrantless arrest laban sa mga ito.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), hanggang araw ng Martes ay mahigit 600 convicts ang balik kulungan na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.