Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Davao Occidental, Martes ng gabi.

Batay sa impormasyon ng Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa 265 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 8:29 ng gabi.

May lalim ang lindol na 29 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...