Reward money laban sa mga nagtapon ng patay na baboy sa Marikina inilabas na

By Angellic Jordan September 17, 2019 - 04:05 PM

Inquirer file photo

Nag-alok ang pamahalaang lokal ng Marikina City ng reward money para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng nagtapon ng mga patay na baboy sa Marikina River.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na aabot sa P200,000 ang ibibigay na reward money.

Magmumula aniya ito sa kaniyang sariling bulsa.

Sinabi pa ni Teodoro na layon nitong makatulong para matukoy kung sinuman ang nagtapon ng mga baboy sa nasabing ilog.

Sa kabuuan, umabot sa limampu’t walong patay na baboy ang nakitang palutang-lutang sa Marikina River.

TAGS: ASF, hog, Marikina City, reward, teodoro, ASF, hog, Marikina City, reward, teodoro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.