Sariling public works department inihirit para sa BARMM
Nais ng walong kongresista mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na magkaroon ng National Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon kay House Deputy Speaker Mujiv Hataman at ng pitong iba pang kinatawan ng BARMM, naglalayon ang House Resolution 333 na magkaroom ng National DPWH sa kanilang rehiyon upang mapabilis ang mga infrastructure projects na ipapatupad sa rehiyon.
Paliwanag ni Hataman, ito ang naisip nilang solusyon upang matiyak na matagumpay ang mga proyektong pang-imprasktraktura sa BARMM.
Nababahala ang kongresista na sa ilalim ng cash budgeting system para sa pag-appropriate ng proyekto ay hindi maipapatupad ang lahat ng mga programa ng DPWH dahil kinakailangan na magastos ang pondo sa loob ng isang taon at kung hindi ay babalik ang pondo sa National Treasury.
Bukod dito, mahihirapan din ang BARMM na ma-i-deliver ang mga infra projects dahil sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law (BOL), ang bagong autonomous region ay limitado lamang sa Minister of Public Works at ang mga road projects ay nasa mandato ng national government sa ilalim ng DPWH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.