Taxi Driver sa viral video, isinuko sa LTFRB ng kaniyang operator

By Ricky Brozas January 06, 2016 - 12:02 PM

#UWB666 eto po ang pinaka nakakatakot na driver na nasakyan ko.. from sm north po sumakay ako sa nakapilang taxi … sabi niya sakin 250 daw sabi ko naman naka metro naman kuya… And so i thought ok n si kuya sa metro… pero nung nasa POEA n kami inabot ko kay kuya ung 200 expecting a 50 change… din bigla nalang nagsisigaw si kuya eh GAGO ka pala, eh dapat nga 350 tapos sabi m sakin ikaw bahala at metro nalang.. so sabi kuya kaya nga i metro so 140 lang… tapos 3 beses ako ulit minura ayaw ibigay ang sukli, tapos sabi sakin ni kuya sasapakin ako pag di ako bumababa, nung makita nya na vinideo ko sya pinukpuk nya ako.. so bumababa na ako and nagstop ng video.. pero hinabol nya ako sa baba then mukhang sasapakin so sabi ko hali ka kuya sige subukan mo tapos natakot nalang sya dahil me mga tao and puro lalake nakatingin saknya and tinatawag ako para tawagin ung police… tsaka lang humarurot si kuya… una po high si kuya at kung ano ano pinagsasabi, pangalawa sana etong ganitong driver hindi kinukuha… papatay talaga si kuya literal… #nakakatakot sya sobra.#pakisharepo #walangnamengdriver

Posted by Jordie Lag on Monday, January 4, 2016

Personal na nagtungo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operator ng taxi driver na viral ngayon sa social media matapos makuhanan ng video habang inaaway ang pasahero niyang babae.

Ang driver na nakilalang si Roger Catipay ay isinuko ng kaniyang operator na si Ariel Gamboa ng AFG taxi.

Ito ay matapos na kumalat na sa facebook ang video ni Catipay na ipinost ng pasaherong si Joanna Garcia kung saan makikitang inaaway ng driver ang pasahero dahil hindi ito pumayag na magbayad ng higit sa halagang pumatak sa metro.

Sa nasabing video, minura ng driver ang pasahero at tila ambang sasaktan nito ang babae.

Sa pagharap sa LTFRB, tumanggi pa si Catipay na magpasailalim sa drug test kahit mismong si LTFRB Chairman Winston Ginez ang humiling nito sa kaniya.

Ayon sa driver, kukuha muna siya ang abogado bago sumailalim sa drug test.

Sinabi ni Ginez na posibleng makansela ang prangkisa ng AFG taxi kapag napatunayang lango sa ipinagbabawal sa gamot si Catipay kapag napatunayang siya ay nagdodroga.

Sa Martes, January 12 ay sisimulan ng LTFRB ang pagdinig sa posibleng pagkansela ng prangkisa ng AFG taxi.

Samantala, inirekomenda naman ni LTFRB Board Member Atty. Antonio Inton Jr., sa Land Transportation Office (LTO) na kanselahin ang driver’s license ni Catipay.

TAGS: Taxi Driver viral video, Taxi Driver viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub