SK binalaan ng DILG sa paggamit ng pondo sa mga proyekto

By Angellic Jordan September 17, 2019 - 03:30 PM

PNA photo

Nagpaalala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) ukol sa paggamit ng pondo para sa mga proyekto sa mga kabataan.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DILG spokesman at Undersecretary Jonathan Malaya na maaari nang simulan ng mga opisyal ng Sk ang paggamit sa pondo alinsunod sa alituntunin ng inilabas na Joint Memorandum Circular noong January 23.

Kasama sa JMC ang DILG, Department of Budget and Management (DBM) at National Youth Commission (NYC).

Ayon kay Malaya, hindi na dapat magkaroon ng delay sa pagpapatupad ng mga proyekto para sa interes at kapakanan ng mga kabataan.

Hindi na rin aniya dapat hintayin ang guidelines mula sa Commission on Audit (COA).

Paliwanag ni Malaya, nagbigay na ng go-signal ang COA sa SK para gamitin ang pondo base sa JMC.

TAGS: COA, DBM, Department of Interior and Local Government (DILG), fund, sk, COA, DBM, Department of Interior and Local Government (DILG), fund, sk

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.