Department of OFW bill umarangkada na sa Kamara
Nagsimula na ang pagdinig ng House committees on Government Reorganization at Overseas Workers Affairs sa mga panukala upanh lumikha ng isang kagawaran para sa overseas Filipino workers.
Hinati sa dalawang bahagi ang committee hearing kung saan unang humarap ang mga OFW bilang resources persons at bukas naman ang mga opisyal at kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Sa opening statements ng mga may akda ng panukala, binigyang diin ng mga ito ang pangangailangan na magkaroon ng iisang ahensya na tututok sa kapakanan ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa para maiwasan ang pasahan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga ito.
Gayundin para matiyak na napo-protektahan ang karapatan ng mga itinuturing na makabagong bayani na nagsasakripisyo para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya at malaki ang kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas.
Binanggit ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto na base sa datos ng Department of Foreign Affairs, nasa 2.8 million ang bilang ng OFWs hanggang noong 2018.
Aabot sa 31 bills na may kaugnayan sa Department of OFW ang naihain sa Kamara kabilang ang House Bill No. 2 nina Speaker Alan Peter Cayetano at Deputy Speaker Paolo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.