15 katao patay nang mahulog sa bangin ang sinasakyang truck sa T’boli South Cotabato

By Jimmy Tamayo September 17, 2019 - 02:14 PM

Patay ang nasa 15 katao at hindi bababa sa sampu ang sugatan nang mahulog ang sinasakyan nilang truck sa isang bangin sa T’boli South Cotabato martes ng umaga.

Ayon sa ulat, galing ng night swimming sa General Santos city ang sakay ng forward truck at papauwi na ng mangyari ang sakuna bandang alas-8:00 ng umaga.

Kabilang sa mga nasawi at nasugatan ay ilang mga bata na nasa idad na 6 hanggang 10.

Hindi pa alam kung ano ang dahilan ng pagkahulog ng truck sa bangin na nangyari sa bagong gawang kalsada sa T’boli-Gensan shortcut road sa boundary ng barangay Lamsalome at Lambangan.

TAGS: forward truck, General Santos City, Patay ang nasa 15 katao, T’boli South Cotabato, forward truck, General Santos City, Patay ang nasa 15 katao, T’boli South Cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.