Dagdag na sahod sa mga guro at nurse sa 2020 hindi sapat ayon kay Rep. France Castro

Hindi kuntento si ACT Teacher’s Rep. France Castro sa pondo nakalaan para sa 2020 sa pagpapatupad ng Salary Standardization Law 5.

Ayon kay Castro, bagaman mayroong P31 billion na pondo para sa pagtaas ng sahod ng mga sibilyang empleyado ng gobyerno partikular na ang guro at nurse kulang pa rin ito sa kinakailangang umento sa sahod.

Sinabi ni Castro na sa kabila ng sinasabing kasama na sa salary increase ang mga guro ay tinapyasan naman ang budget ng Department of Education sa susunod na taon.

Patunay lamang ayon sa mambabatas na hindi prayoridad ng administrasyon ang edukasyon kumpara sa mga paglaban sa mga human rights defenders, manggagawa at mga magsasaka na patuloy na tumataas.

May panukalang pondo sa taong 2020 ang sektor ng edukasyon na nagkakahalaga ng P673 billion.

Nauna rito, sinabi ni House Appropriations Committee Chair Isidro Ungab na may pondong P32 billion sa 2020 budget ang SSL5 at P4 billion para sa miscellaneous benefits.

Read more...