Dispatcher ng jeep patay sa pananambang sa Cebu City

By Dona Dominguez-Cargullo September 17, 2019 - 12:49 PM

Tinambangan habang natutulog ang isang dispatcher ng jeep sa Barangay Parian sa Cebu City.

Kinilala ang biktima na si alyas “William” na tinambangan sa bahagi ng D. Jakosalem Street, alas 5:40 ng umaga ng Martes, September 17.

Si William ang ikalawang biktima ng pananambang sa naturang barangay sa loob lang ng isang linggo.

Noong September 13 ay tinambangan din habang natutlog sa Bonifacio Street kanto ng Jakosalem Street ang biktimang si Alexander Lastimoso.

Inaalam na mga otoridad kung may kaugnayan ang dalawang magkasundo na pananambang.

TAGS: ambush incident, barangay parian, Cebu City, ambush incident, barangay parian, Cebu City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.