Landslide naitala sa Quirino – Nueva Vizcaya Road bunsod ng pag-ulan
By Dona Dominguez-Cargullo September 17, 2019 - 10:41 AM
Nagkarooon ng landslide sa bahagi ng Quirino – Nueva Vizcaya Road bunsod ng nararanasang pag-ulan.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), dahil sa pagguho ng lupa ay isang linya lamang ang nadaanan sa Junction Abbag – Nagtipunan, Nueva Vizcaya Road.
Naitala ang landslide sa main road sa bahagi ng Barangay Landingan, bayan ng Nagtipunan sa Quirino.
Nagsasagawa na ng clearing operations ang mga tauhan ng DPWH sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.