Pampanga magpapatupad ng ban sa mga buhay na baboy

Ipagbabawal na rin ang pagpasok ng mga buhay na baboy sa lalawigan ng Pampanga.

Ang ban ay iniutos ni Governor Dennis Pineda bilang proteksyon sa kanilang hog industry at meat processors ng probinsya laban sa African swine fever (ASF).

Nilinaw naman ng opisyal na bagamat naglabas siya ng kautusan, wala pa namang ASF outbreak sa kanilang probinsya.

Maglalagay ng mga checkpoint sa bawat hanggangan ng Pampanga para masiguro na hindi makakapasok ang baoy na galing sa ibang probinsya lalo na dun sa may kaso ng ASF.

Ang Pampanga na kilala sa kanilang tusino at sisig ay ikatlo hog meat producer sa Central Luzon kasunod ang Bulacan at Tarlac.

Read more...