Remittance mula sa mga OFW abroad tumaas noong July – BSP
Mabilis ang naitalang pagtaas sa remittance ng mga OFW na nasa iba’t ibang panig ng mundo sa nakalipas na buwan ng Hunyo.
Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang personal remittances mula sa Overseas Filipinos ay umabot sa $2.9 billion noong July 2019.
7.2 percent itong mas mataas kumpara sa $2.7 billion na naitala noong kaparehong buwan ng 2018.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, ang paglago ng personal remittances sa unang pitong buwan ng taon ay mula sa remittance inflows ng land-based overseas Filipino workers.
Nakapag-ambag din ang perang padala ng mga sea-based workers at land-based workers na mayroong short-term contracts abroad.
Mula January hanggang July 2019, sinabi ng BSP na ang cash remittances ay umabot sa $17.2 billion na 3.9 percent na mas mataas kumpara sa $16.6 billion mula January to July 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.