Suspek sa pagdukot at pagpatay sa 5 taong gulang na batang babae sa Bulacan arestado

By Dona Dominguez-Cargullo September 17, 2019 - 09:29 AM

Naaresto na ng mga otoridad ang suspek sa pagdukot sa isang 5 taong gulang na batang babae sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ang suspek na si Eman Lambuhon, 24 anyos ay nadakip Lunes (Sept. 16) ng gabi.

Si Lambuhon suspek sa pagdukot at pagpatay sa biktimang si Princess Angela Langomez.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis base sa pahayag ng mga testigo, nakita umano si Lambuhon nang kunin nito ang bata mula sa kanilang bahay.

Madaling araw ng Linggo nang matuklasan ng mga kaanak na nawawala sa kaniyang higaan ang biktima.

Nakita ang bangkay ng biktima malapit sa kanilang bahay sa Del Monte Heights.

Isasailalim pa otopsiya ang biktima upang malaman kung ito ay ginahasa ng suspek.

TAGS: Bulacan, police report, Radyo Inquirer, san jose del monte, Bulacan, police report, Radyo Inquirer, san jose del monte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.