Kalibo sa Aklan isinailalim sa state of calamity dahil sa sunog sa isang palengke

By Dona Dominguez-Cargullo September 17, 2019 - 09:08 AM

Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Kalibo sa lalawigan ng Aklan.

Ito ay makaraang masunog ang public market doon noong madaling araw ng Linggo, Sept. 15.

Sa inisyal na imbestigasyon ng fire bureau ay sa meat section nagsimula ang apoy na agad kumalat sa mga katabi nitong tindahan hanggang sa matupok na ang palengke.

Umabot sa 3rd alarm ang sunog na tumagal ng tatlong oras bago naapula.

Wala namang nasaktan sa insidente.

TAGS: fire incident, kalibo aklan, Public Market, State of Calamity, fire incident, kalibo aklan, Public Market, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.