Taylor Swift muling papasok sa The Voice bilang mega-mentor

Magbabalik sa sikat na singing contest na “The Voice” ang pop-star na si Taylor Swift bilang mega mentor.

Ang pagpasok ng Grammy winning singer bilang mentor ay inanunsyo sa isang promotional video para sa 17th season ng nasabing show.

Sa nasabing video, makikita The Voice coaches na sina John Legend at Blake Shelton at pinag-uusapan ang pagpasok ni Swift.

Kunwari ay hindi kilala ng dalawa kung sino ang pop-star mentor pero lalabas si Swift mula sa isang sasakyan at kaswal na maglalakad sa likod ng dalawa.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging guest sa show si Swift bilang mentor.

Sa Season 7 ng The Voice ay naging mega-mentor din siya ng mga contestant at nagperform naman sa Season 16 finale.

Ang The Voice Season 17th ay magsisimula sa September 23.

Read more...