Water level ng Angat dam sumampa na sa 188-meter level

Sumampa na sa 188-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa nakalipas na 24 na oras ay nadagdagan pa ang water level sa dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng Martes, Sept. 17 ay nasa 188.57 meters ang antas ng tubig sa Angat dam.

Bahagya namang nabawasan ang antas ng tubig sa Ipo dam na ngayon ay nasa 101.05 meters.

Nabawasan din ang water level ng Ambuklao, San Roque at Caliraya dams.

Habang nadagdagan naman ang water level sa La Mesa dan na ngayon ay nasa 77.95 meters.

Nadagdagan din ang Binga, Pantabangan at Magat dams.

Read more...