Pinay at dayuhang mister arestado sa buy-bust sa Caloocan

By Dona Dominguez-Cargullo September 17, 2019 - 06:02 AM

Arestado ang isang Pinay at kaniyang Swiss na asawa sa ikinasang buy-bust operation sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa isinagawang buy-bust, matagumpay na nakabili ang police poseur buyer ng tatlong sachet ng shabu sa Pinay na suspek.

Sa loob mismo ng bahay ng suspek nangyari ang transaksyon kaya inaresto din ang ang kaniyang Swiss na mister at kanilang kasambahay.

Nabatid ng mga otoridad na ang dayuhan ay 3 taon nang naninirahan sa bansa.

Mariin namang itinanggi ng mag-asawang suspek na sa kanila ang nahuling ilegal na droga at sinabing tinaniman lang sila ng ebidensya.

TAGS: arrested, buy bust operation, caloocan, Filipina, swiss, War on drugs, arrested, buy bust operation, caloocan, Filipina, swiss, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.