Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na uulanin

Patuloy na uulanin ang Metro Manila at ang mga kalapit nitong lalawigan.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 5:00 ng umaga, mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang nararanasan sa Zambales at Bataan sa nakalipas na dalawang oras.

Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon sa susunod na dalawa hanggang taltong oras.

Ayon sa PAGASA, ang Habagat ang nagpapaulan sa nasabing mga lugar.

Pinayuhan ang publiko na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa mga abisong ipalalabas ng PAGASA.

Read more...