8 arestado sa buy-bust operation sa Quezon City

Balik-kulungan ang isang babae at arestado rin ang kanyang live-in partner at anim na kasamahan sa buy-bust operation sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Nabilhan ang target na si alyas ‘Dianne’ ng shabu sa bahay mismo nito at ng kanyang live-in partner.

Ayon kay Kagawad Franz Quijano, dati nang nakulong ang target dahil din sa droga at kalalaya lamang noong nakaraang taon.

Timbog din ang anim na naabutan sa bahay.

Ginagawa umanong drug den ang bahay ng mga target.

Mariing itinanggi ng mga suspek na nagbebenta sila ng droga.

Nakuha sa mga suspek ang 16 na plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakalahalaga ng P30,000.

Sasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...