Ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hindi pa nila nasisira ang P22 bilyong halaga ng nakumpiskang droga.
Sa budget hearing sa Senado araw ng Lunes ay sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na nasa kustodiya pa rin nila ang naturang halaga ng droga na nakumpiska sa ilang operasyon.
Ayon kay Aquino, kabilang sa mga hindi pa nila nasisira ang 300 kilo ng shabu na nasamsam siyam na taon na ang nakalipas.
Pahayag ito ng opisyal matapos siyang tanungin ukol sa inventory ng ahensya sa mga nakumpiska nilang droga.
Nagtanong tuloy si Sen. Panfilo Lacson kung ito ba ay dahil sa kabiguan ng mga hukom na maglabas ng kautusan para sirain ang mga ebidensya.
Binanggit ni Aquino na gaya sa raid sa Las Piñas, nasa kanila pa ang mahigit 300 kilos ng shabu dahil walang court order na sirain na ang mga ito.
“We still have drugs seized in 2010,” the PDEA chief said in Filipino. “In the Las Piñas raid, there were more than 300 kilograms. Sir, there’s no court order [to destroy the drugs],” ani Aquino.
Sinabi naman ni Senator Franklin Drilon na dapat kausapin ng PDEA ang court administrator at igiit ng batas ukol sa pagsira ng ebidensyang droga.
Ayon kay Aquino, ipinarating na nila ito kay Court Administrator Midas Marquez pero hindi anya nasunod ang patakaran na dapat ay susunugin na ng PDEA ang droga sa loob ng 4 na araw.
Dahil dito ay aapela ang Senado sa Korte Suprema para tulungan ang PDEA na mapabilis ang pagsira sa mga droga.