MRT-3: 18 unloading incidents pa lang ang naitatala ngayong September 2019

By Rhommel Balasbas September 17, 2019 - 03:02 AM

Bumaba ang naitalang bilang ng unloading incidents sa Metro Rail Transit (MRT-3) ngayong 2019 kumpara noong mga nakaraang taon.

Sa pahayag ng MRT-3 araw ng Lunes, mula January 1 hanggang Sept. 12 ngayong taon, umabot lamang sa 18 ang unloading incidents kumpara sa 480 ng kaparehong panahon noong 2016.

Ang anunsyong ito ng train line ukol sa unloading incidents ay sa gitna ng isinasagawang malawakang rehabilitasyon na nagsimula noong Mayo.

Iginiit ng MRT-3 na hindi sila nagdedeploy ng tren na depektibo o sira at mahalaga sa kanila ang kaligtasan ng mga pasahero.

Ipinatigil umano ng MRT-3 ang naging gawi ng dating maintenance providers na ‘force deployment’ ng mga ‘unsafe at unreliable’ trains’ dahil nababayaran ang mga ito noon batay sa numero ng tren na naidedeploy, sirain man o hindi.

Sinabi pa ng MRT-3 na hindi tulad dati, puno na ang kanilang warehouse ng spareparts na magagamit sa pagkumpuni ng mga bagon at ng train system.

Inanunsyo rin na 100 porsyento nang maayos ang lahat ng elevators at 30 sa 46 escalators ay fully-operational na rin habang ang natitira ay maisasaayos bago matapos ang taon.

Nakatakda na ring palitan ang mga riles at umaarangkada ang paglalagay ng mga bagong air-conditioning units (ACUs) sa mga bagon.

Ayon sa MRT-3 asahan na sa July 2021, mararamdaman na ang malaking pagbabago kung saan aakyat sa 20 ang running trains mula sa kasalukuyang 15, bibilis ang takbo ng mga tren at mababawasan na rin ang waiting time ng mga pasahero na magiging 3hanggang 3.5 minutes na lamang.

 

TAGS: ACUs, air conditioning units, dotr, MRT 3, rehabilitasyon, unloading, ACUs, air conditioning units, dotr, MRT 3, rehabilitasyon, unloading

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.