Mababang singil sa kuryente asahan ng Meralco customers sa susunod na mga buwan
Makakaasa ang mga customers ng Meralco ng mas mababang singil sa kuryente sa susunod na mga buwan.
Ayon sa Meralco, ito ay dahil sa bagong proseso sa bidding na kanilang pinasok sa mga supplier ng kuryente.
Sa pagtaya ng kumpanya, nasa P13.86 billion kada taon ang maaaring matipid o P0.41 kilowatt per hour na rate reduction hanggang February 2020.
Ito ay kasunod ng pagpirma ng Meralco ng power supply agreements para sa 1,700 megawatts ng kuryente sa susunod na limang taon sa ilalim ng tinatawag na “competitive selection process.”
Dagdag ng Meralco, naging bahagi ng competitive bidding ang renewable energy sources para sa pagkakaroon ng mas mababang halaga ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.