Drug suspect arestado sa buy bust sa Mandaue City

CDND Photo by Norman Mendoza

Nakuhanan ng P68,000 na halaga ng shabu ang isang lalaki sa buy bust operation sa Mandaue City Lunes ng gabi.

Naaresto ng Mandaue City Police Office Drug Enforcement Unit (MCPO-CDEU) ang 23 anyos na si Joseph Costaños.

Ayon kay Police Major Regino Maramag, nakipag-transaksyon sila sa isang tulak ng droga sa pamamagitan ng telepono.

Nagkasundo na magkita sa Barangay Subagdaku para sa bentahan ng droga at si Costaños ang nag-deliver ng shabu.

Nakuha sa suspek ang sampung gramo ng shabu.

 

Read more...