Naaresto ng mga awtoridad sa Angeles City, Pampanga ang isang Amerikano na wanted sa Florida, USA dahil sa pagkakasangkot sa child pornography at illegal possession of firearm.
Sa statement ni Bureau of Immigration Fugitive Search Unit chief Bobby Raquepo araw ng Lunes, nakilala ang suspek na si Samuel Arthur Thompson, 49 anyos.
Naaresto si Thompson sa bisa ng mission order ni Immigration Commissioner Jaime Morente na hiniling mismo ng US Embassy sa Maynila.
Ayon sa impormasyon ng US Embassy, may outstanding arrest warrant si Thompson na inilabas noong nakaraang buwan ng korte sa Florida dahil sa ‘unauthorized cyber access and intrusion’ at ‘possession of child pornography and firearm.’
Nauna nang nahatulan ng ng korte sa Alabama ang suspek ng isang taong pagkakulong dahil sa pangmomolestiya sa isang 15-anyos na lalaki taong 1998.
Batay sa travel database ng BI, pumunta ng bansa si Thompson noong July 29 matapos ipag-utos na arestuhin ng Florida court.
Sa ngayon, nakadetine ang suspek sa BI jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Agad na ipadedeport ang American national dahil sa dahil sa pagiging undesirable at undocumented alien at hindi na ito papayagan pang makabalik ng Pilipinas.
Hinihintay na lamang ang utos ng BI Board of Commissioners para sa summary deportation ni Thompson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.