Ipapatupad na ngayong araw ng Martes, September 17 ang malakihang dagdag sa presyo ng ilang produktong petrolyo.
Epektibo alas 6:00 ng umaga ang big-time oil price increase ng iba’t-ibang kumpanya ng langis.
Nasa P1.35 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, P0.85 sa kada litro ng diesel at P1.00 sa kada litro ng kerosene.
Ang dagdag presyo ay ipapatupad ng PTT Philippines, Phoenix, Total, Petron, Shell at Seaoil.
Ang oil price increase ay bunsod ng pagtaas ng presyo sa international market dahil sa umiigting na trade war sa pagitan ng US at China.
MOST READ
LATEST STORIES