3 sa 277 na naarestong Chinese fugitives iprinisinta ni Eleazar

By Len Montaño September 17, 2019 - 12:46 AM

PIO NCRPO photo

Iprinisinta ni National Capital Region Police (NCRPO) chief Major General Guillermo Eleazar ang tatlo sa naarestong 277 Chinese fugitives at illegal aliens.

Sa press briefing sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig City araw ng Lunes, iprinisinta sa media ang mga dayuhang suspek.

Ang tatlong Chinese ay nakilalang sina Chen Xianfeng, 42 anyos, Wang Changsen, 27 anyos at Qin Shuxin, 24 anyos habang ang isa pang suspek na si Que Heng, 30 anyos ay nananatiling at large.

Ang mga Chinese fugitives ay sangkot sa investment scam na nakabiktima ng mahigit 1,000 katao sa China.

Umabot sa mahigit 100 million RMB o katumbas ng mahigit P700 million ang nakuha ng mga suspek sa kanilang mga biktima.

Katuwang ng NCRPO ang Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) gayundin ang Presidential Anti-Corruption Commission Monitoring and Enforcement Group (IMEG).

 

TAGS: China, Chinese fugitives, illegal aliens, investment scam, iprinisinta, Major General Guillermo Eleazar, NCRPO, China, Chinese fugitives, illegal aliens, investment scam, iprinisinta, Major General Guillermo Eleazar, NCRPO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.