30 sugatan matapos mahulog ang jeep sa bangin sa Albay

By Angellic Jordan September 17, 2019 - 12:24 AM

Sugatan ang hindi bababa sa tatlumpung katao makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyang pampasaherong jeep sa probinsya ng Bacacay, Albay Lunes ng umaga.

Batay sa ulat ng pulisya, pumalya umano ang preno ng sasakyan habang binabagtas ang pababang bahagi ng kalsada bandang alas siyete y medya ng umaga.

Karamihan sa mga sakay ng pampasaherong jeep ay mga pampublikong guro.

Patungo sana ang jeep sa Barangay Cagbulacao.

Agad namang isinugod ang drayber at mga pasahero sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital.

 

TAGS: 30 sugatan, Albay, bangin, Jeep, pumalyang preno, 30 sugatan, Albay, bangin, Jeep, pumalyang preno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.