Pondo para sa dagdag sahod ng mga guro kasama na sa 2020 budget
Iginiit ni House Ways and Means Chair at Albay Rep. Joey Salceda na ang mga empleyado ng gobyerno kabilang ang mga guro na nasa mababang posisyon ang makikinabang sa Salary Standardization Law.
Ayon kay Salceda, mas malaki ang pakibang sa SSL5 ng mga nasa Salary Grade 1 hanggang 17 kumpara sa SSL 4.
Gayunman, ang mga kongresista at ang presidente na sakop ng SG 18 to 33 ay tatanggap ng maliit na umento sa ilalim nito.
Sa panukalang 2020 budget, may pondong P32 billion para sa SSL 5 at miscellaneous benefits na P4 billion.
Sinabi naman ni House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab na ipapatupad ang panibagong umento sa sahod kapag naaprubahan na ng Kamara at Senado ang joint resolution para dito.
Sa pag-aaral ng Governance Commission for Government and Control Corporation o GCG at Department of Budget and Management (DBM), gagastos ang pamahalaan ng P110 billion para sa dagdag na sahod.
Kapag naipatupad, tataas ng 15 porsyento ang sahod ng mga ito sa loob ng 3 taon.
Iginiit ni Salceda na hindi magpapataw ng bagong buwis ang pamahalaan kapag ipinatupad ang SSL5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.