DA: Higit P12M iniwang pinsala sa agrikultura ng Bagyong Marilyn

Mahigit P12 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura na iniwan ng Bagyong Marilyn.

Sa Department of Agriculture (DA) Bulletin No. 4, nakasaad na umabot sa P12.12 million ang napinsalang agricultural products dahil sa bagyo batay sa datos hanggang araw ng Lunes, September 16.

Nasa 282 ektarya ng taniman ng palay ang nasira ng bagyo.

Umabot naman sa 704 metriko tonelada ng iba pang produktong agrikultura ang napinsala.

Sa tala ng ahensya, sa Central Luzon kabilang ang Tarlac, Zambales at Pampanga ang matinding tinamaan ng Bagyong Marilyn.

Patuloy na imomonitor ng DA, sa pamamagitan ng DA-DRRM Operations Center ang pinsala ng naturang sama ng panahon.

 

Read more...