2 LPA sa loob ng PAR binabantayan ng Pagasa

By Angellic Jordan September 16, 2019 - 11:44 PM

Dalawang low pressure area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, ang isa ay huling namataan sa 280 kilometers Kanlurang bahagi ng Iba, Zambales bandang 3:00 ng hapon.

Malaki aniya ang epekto nito sa paghila ng southwest monsoon o habagat dahilan ng nararanasang pag-ulan.

Ani Rojas, mababa ang tsansa na maging ganap itong bagyo.

Ang pangalawang LPA naman ay namataan sa layong 895 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.

Posible aniya itong maging bagyo sa mga susunod na araw at tatawaging Bagyong Nimfa.

Samantala, mayroon ding binabantayang bagyo sa labas ng PAR na tinawag na Tropical Storm Peipah.

Huling namataan ang nasabing bagyo sa 2,295 kilometers Silangan ng extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 45 kilometers per hour sa direksyong Hilagang Kanluran.

Ani Rojas, mababa ang tsansa na pumasok ng PAR ang bagyo.

 

TAGS: Bagyo, basco, batanes, Iba, LPA, Nimfa, Pagasa, PAR, Tropical Storm Peipah, zambales, Bagyo, basco, batanes, Iba, LPA, Nimfa, Pagasa, PAR, Tropical Storm Peipah, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.